Showing posts with label Magbigay Pasasalamat. Show all posts
Showing posts with label Magbigay Pasasalamat. Show all posts

Friday, November 29, 2013

Magbigay Pasasalamat sa KATAHIMIKAN

Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na ako ang Dios:
ako'y mabubunyi sa gitna ng mga bansa,
ako'y mabubunyi sa lupa.
Mga Awit 46:10


Thursday, November 28, 2013

Magbigay Pasasalamat sa PAG-AANTAY

Ito ay sapagkat sa pag-asa tayo ay nalugtas,
ngunit ang pag-asa na nakikita ay hindi pag-asa
sapagkat bakit aasa pa ang tao sa nakikita na niya?

Ngunit kung tayo ay umaasa sa hindi natin nakikita,
naghihintay tayo na may pagtitiis.
Mga Taga-Roma 8:24-25

Wednesday, November 27, 2013

Magbigay Pasasalamat sa KALUNGKUTAN

Maawa ka sa akin, Oh Panginoon,
sapagka't ako'y nasa kahirapan:
ang aking mata ay namumugto sa kapanglawan,
oo, ang aking kaluluwa, at aking katawan. 

Sapagka't ang aking buhay ay napupugnaw sa kapanglawan,
at ang aking mga taon ay sa pagbubuntong hininga:
ang aking lakas ay nanglulupaypay dahil sa aking kasamaan,
at ang aking mga buto ay nangangatog. 
Mga Awit 31:9-10

Ang Panginoon ay malapit sa kanila na may bagbag na puso,
at inililigtas ang mga may pagsisising diwa.
Mga Awit 34:18

Tuesday, November 26, 2013

Magbigay Pasasalamat sa PAGHIHIRAP

Hindi lang ito, kundi sa paghihirap ay nagmamalaki rin tayo
dahil alam nating ang paghihirap ay nagbubunga ng pagtitiis.

Ang pagtitiis ay nagbubunga ng magandang ugali
at ang magandang ugali ay nagbubunga ng pag-asa.

Hindi tayo pinapahiya ng pag-asa
sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos sa ating mga puso
sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na ipinagkaloob sa atin. 
Mga Taga-Roma 5:3-5

Monday, November 25, 2013

Magbigay Pasasalamat sa KATIWASAYAN

Aking narinig ang mga pagupasala ng mga anak ni Israel:
salitain mo sa kanila, na iyong sasabihin,
Sa kinahapunan ay kakain kayo ng karne,
at sa kinaumagahan, ay magpapakabusog kayo ng tinapay;
at inyong makikilala na ako ang Panginoon ninyong Dios.
Exodus 16:12

Sunday, November 24, 2013

Magbigay Pasasalamat sa PAGHAHANAP

At inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako,
pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso. 
Jeremias 29:13

Kaagad na sumigaw na may luha ang ama ng bata:
Sumasampalataya ako, Panginoon.
Tulungan mo ako sa kawalan ko ng pananampalataya.
Marcos 9:24

Saturday, November 23, 2013

Magbigay Pasasalamat sa KAKULANGAN

Magpasalamt kayo patungkol sa lahat ng bagay
sapagkat ito ang kalooban ng Diyos kay Cristo Jesus para sa inyo.
1 Mga Taga- Tesalonica 5:18

Friday, November 22, 2013

Magbigay Pasasalamat sa KASAGANAAN

Iyo, Oh Panginoon ang kadakilaan, at ang kapangyarihan,
at ang kaluwalhatian, at ang pagtatagumpay, at ang karangalan:
sapagka't lahat na nangasa langit at nangasa lupa ay iyo:
iyo ang kaharian, Oh Panginoon, at ikaw ay nataas na pangulo sa lahat. 

Ang mga kayamanan at gayon din ang karangalan ay nangagmumula sa iyo,
at ikaw ang nagpupuno sa lahat;
at nasa iyong kamay ang kapangyarihan at kalakasan;
at nasa iyong kamay ang pagpapadakila, at pagpapalakas sa lahat. 

Kaya't ngayon, aming Dios, kami ay nagpasasalamat sa iyo,
at aming pinupuri ang iyong maluwalhating pangalan. 

Nguni't sino ako, at ano ang aking bayan,
na makapaghahandog na ganyang kusa ayon sa ganitong paraan?
sapagka't ang lahat na bagay ay nangagmumula sa iyo,
at ang iyong sarili ay aming ibinigay sa iyo. 

Sapagka't kami ay mga taga ibang lupa sa harap mo,
at mga nakikipamayan, gaya ng lahat naming mga magulang:
ang aming mga kaarawan sa lupa ay gaya ng anino, at hindi nagtatagal.
1 Cronica 29:11-15

Thursday, November 21, 2013

Magbigay Pasasalamat sa KAPAGALAN

Kayong lahat na napapagal at nabibigatang lubha,
pumarito kayo sa akin at bibigyan ko kayo ng kapahingahan.

Pasanin ninyo ang aking pamatok at mag-aral kayo sa akin
sapagkat ako ay maamo at mababang-loob.
At masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa.

Ito ay sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang aking pasan.
Mateo 11:28-30

Wednesday, November 20, 2013

Magbigay Pasasalamat sa KAWALAN NG KATARUNGAN

Kaniyang ipinakilala sa iyo,
Oh tao, kung ano ang mabuti;
at ano ang hinihingi ng Panginoon sa iyo,
kundi gumawa na may kaganapan,
at ibigin ang kaawaan,
at lumakad na may kababaan
na kasama ng iyong Dios.
Micah 6:8

Tuesday, November 19, 2013

Magbigay Pasasalamat sa KATIYAKAN

Ito ay sapagkat nakakatiyak ako na walang makakapaghiwalay sa atin mula sa pag-ibig ng Diyos.
Hindi ang kamatayan, o buhay, o mga anghel, o mga pamunuan,
o mga kapangyarihan, o mga bagay sa kasalukuyan o mga bagay na darating.
Hindi ang matataas na bagay, o mga kalaliman o kahit anumang bagay na nilikha.
Walang anumang makakapaghiwalay sa atin mula sa pag-ibig ng Diyos na
na kay Cristo Jesus na ating Panginoon.
Roma 8:38-39

Monday, November 18, 2013

Magbigay Pasasalamat sa KAGALAKAN

Dadakilain kita, Oh Panginoon; sapagka't itinindig mo ako,
at hindi mo pinagalak sa akin ang aking mga kaaway. 

Oh Panginoon kong Dios, dumaing ako sa iyo, at ako'y pinagaling mo. 

Oh Panginoon, iyong isinampa ang aking kaluluwa mula sa Sheol:
iyong iningatan akong buhay, upang huwag akong bumaba sa hukay. 

Magsiawit kayo ng pagpuri sa Panginoon, Oh kayong mga banal niya,
at mangagpasalamat kayo sa kaniyang banal na pangalan. 

Sapagka't ang kaniyang galit ay sangdali lamang; ang kaniyang paglingap ay habang buhay:
pagiyak ay magtatagal ng magdamag, nguni't kagalakan ay dumarating sa kinaumagahan. 

Tungkol sa akin, sinabi ko sa aking kaginhawahan: hindi ako makikilos kailan man. 

Ikaw, Panginoon, sa iyong paglingap ay pinatayo mong matibay ang aking bundok:
iyong ikinubli ang iyong mukha; ako'y nabagabag. 

Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon; at sa Panginoon ay gumawa ako ng pamanhik: 

Anong pakinabang magkakaroon sa aking dugo, pagka ako'y mababa sa hukay?
Pupuri ba sa iyo ang alabok? magsasaysay ba ito ng iyong katotohanan? 

Iyong dinggin, Oh Panginoon, at maawa ka sa akin: Panginoon, maging saklolo nawa kita. 

Iyong pinapaging sayaw sa akin ang aking tangis;
iyong kinalag ang aking kayong magaspang, at binigkisan mo ako ng kasayahan: 

Upang ang pagluwalhati ko ay umawit na pagpupuri sa iyo at huwag maging tahimik:
Oh Panginoon kong Dios, ako'y magpapasalamat sa iyo magpakailan man. 

Awit 30