Naging malaking bahagi ng bawat tahanang Pinoy si Rodolfo Quizon aka DOLPHY. Siya ay nakilala ko bilang Mang John Puruntong sa John en Marsha at Mang Kevin Cosme sa Home Along da Riles. Masugid akong taga subaybay ng mga palabas na ito. Isa siya sa pinakahinahangaan kong komedyanteng Pinoy, di siya nawawalan ng "punchline" at dahilan para hirangin siyang "King of Comedy" ng bansa. Sigurado akong sobrang ma-miss siya ng kanyang mga tagahanga (isa ako doon) at manghihinayang ang mga batang di na siya inabutan. Pero sabi nga niya "Press nyo lang ang PLAY at muli tayong magkakasama sama."

No comments:
Post a Comment