Nanay yan ang tawag ko sa iyo
Di man ako tunay na anak mo
Sa maikling panahong nagkasama tayo
Pagaaruga at pagmamahal sa iyo'y naramdaman ko
Pagiibigan ninyo ng tatay aking pinapangarap
Sa hirap at ginhawa walang makakasira
Panalangin na maging katulad sana
Ng pagsasama namin ng aking asawa
Sa iyong ika animnapu't anim na kaarawan tayo'y nagkita
Di ko inakalang iyo'y huli na pala
Isang araw na palagi kong maalala
Ang iyong ngiti at mga tawa
Pasasalamat sa Ama ang tangi kong nasambit
Nang malamang kong ikaw ay pumunta na sa langit
Kung nasaan ka man ngayon alam kong ikaw ay umaawit
Masaya na ang pinakananais mo'y iyo ng nakamit
Maraming salamat sa iyo Nanay, hinding hindi ka po makalilimutan.
No comments:
Post a Comment