Huwag kayong makipamatok sa hindi mananampalataya
sapagkat anong pakikipag-isa mayroon nga ang katuwiran sa hindi pagkilala sa kautusan ng Diyos?
Anong pakikisama mayroon ang liwanag at kadiliman?
Paano magkakasundo si Cristo at si Belial?
O anong bahagi mayroon ang mananampalataya sa hindi mananampalataya?
Anong kasunduan mayroon ang banal na dako ng Diyos sa mga diyos-diyosan?
Ito ay sapagkat kayo nga ang banal na dako ng buhay na Diyos.
Tulad ng sinabi ng Diyos:
Mananahan ako sa kanila at lalakad kasama nila.
Ako ang magiging Diyos nila at sila ang aking tao.
Mga Taga Korinto 6:14-16
No comments:
Post a Comment